Monday, October 29, 2007

Todos los santos


Hindi natin ‘to ginagawa, hindi talaga tayo nag-uusap. Kung may pagkakataon man, yun e kung sisigawan mo ko o worst, hahambalusin na lamang ng palo. Ganito mo ko kamahal di ba? Katumbas ng bawat pagtutuwid ng mali o yung disiplina mong tinatawag ay ang bawat latigong lalatay sa balat ko.  Alam mo, hindi ako takot sa palo. Manhid na ang balat ko noon, wala akong trauma sa walis tambo o dos por dos. Ang kinakatakutan ko noon ay kung anong lakas ang nakukuha mo sa twing mananakit ka. Pakiramdam ko, sa bawat hagupit o bugbog, nakakakuha ka ng lakas, mas lalo kang bumabagsik. Mas nagiging matikas ka na dapat pangilagan. Pero lahat may katapusan. Dumating ang panahon ko, oras na makalalaban ako. Hinintay ko ang pagkakataong makapagsarili, makapagtrabaho at hindi umasa sa’yo.




Alam mo ba na kung inakala mong naging mabuti kang magulang, ay nagkamali ka. Kung itinutuwid ng mga rason mo ang pananakit sa akin, patuloy nitong itinatakwil ang loob ko sa’yo. Naging malalim siguro ang sugat pero huli na, hindi ko maramdaman at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ako binubugbog.




Kung tutuusin, panalo ka. Noon hindi ako makalaban sa’yo, bata pa ko noon. Ngayon, nauna ka na. Gusto sana kitang sumbatan, gusto ko sanang makipagsuntukan, ngayon mo ipakita ang yabang mo. Ngayon mo ko bugbugin, pero hindi mo hinayaang mangyari yun. Kahit murahin kita o sipain ang puntod mo, wala ng magagawa ang mga iyon.



Nagpapahinga ka sa mahabang panahon mong naging magulang sa akin.



Sayang. Ang dami mong sinayang. Alam mo kung tutuusin, mabuti pa nga akong anak. Pinagtirik pa kita ng kandila. Dinalaw pa rin kita. Hindi man kita mabalikan, hindi man kita masaktan, gusto kong ipaalam sa’yo na napakarami mong sinayang na pagkakataon. Sana nakipagkuwentuhan ka sa’kin. Ikaw ang lumimot, ikaw ang naglayo sa’tin. Minsan, habang pilit kong inaalala ang pagiging magulang mo, wala akong matandaan. Hindi ko matandaan na hinagod mo ang likod ko, o sinuklay ang buhok o minasahe para mapaidlip. Wala akong matandaang kwento na binigkas mo pampatulog. Walang bakasyon tayong pinagsamahan. Hindi mo ko pinayuhan kung paano maging mabuting bata.


Pero alam mo, may natutunan ako sa’yo. Hinanda mo ko. Tinuruan mo kong kung paano maging isang mabuting ama. Hindi ko inakalang isisilang ang isang ama sa akin sa kabila ng pagkasuklam ko sa inyo. Kung meron akong dapat tanawin at pahalagahan, walang iba kundi binuhay mo ko. At dahil doon, magiging isang mabuti ama ako. Dahil ngayon, alam ko na ang tamang pagpapalaki sa anak. Alam kong hindi kita dapat tularan. Hindi mo na makikilala ang apo mo. Mabuti na rin iyon. “wag kang mag-alala, walang kinalaman dito ang anak ko sa samaan natin ng  loob. Mabubuting bagay ang sasabihin ko sa kanya tungkol sa inyo. Sasabihin kong pinalaki mo kaming marunong tumingin ng tama. Marunong humusga at magtiis. Higit sa lahat, umasa na darating ang araw na matatapos ang sakit basta kumapit lang kami sa aming mga pangarap. Natupad na ang pangarap ko. Ang makalaya. Hindi lang sa pananakit ninyo kundi ang makalaya sa lahat ng sakit na naitanim ninyo. Sa lahat ng ‘yon, pinapatawad ko na kayo at nawa’y maging mapayapa ang mahaba pa ninyong buhay sa kabila. Habang gagampanan ko ang pagiging isang mabuting ama kay Thirdy.   

Tuesday, October 9, 2007

Text mo Bulok.

i love you.

Isang iresponsableng text.  Natanggap ko ang isang pacute na text na'to at hindi ako natuwa. Alam kong trap na naman 'to, alam kong pangboost ng moral n'ya pag pumatol ako. been there, minsan hindi ko naman nilalahat, pero may mga tao talagang isasabit ka pa sa mga hang-ups nila. Hanap-damay sabi nga.  Apektado ako dahil ang totoo, mahal ko siya. Badtrip ako kasi alam kong hindi niya ko mahal. endearment daw. pasweet. Pero ngayon niya lang sinabi 'to sa kin, ngayon nya lang ako tinext ng ganito since magkakilala kami. Ngayon lang, ngayon lang na may hint na siya na may feelings ako sa kanya.  Stupid you, and stupid me.

At kung anu-anong mga quotes sa umaga, quotes sa tanghali at quotes sa gabi.

Karma ata 'to, sa pagmamalupit ko at pang-iinis sa mga taong too much involved, eto ako ngayon, involved na naman. Parang virus. OMG. Magigising ka isang umaga, in love! Ang masaklap, hindi pa natatapos ang araw, alam mo ng walang patutunguhan ang feelings na ito. One-way love affair kung affair ngang matatawag yun.

Nagwish ako na sana magsettle down na ako sa isang serious relationship. Yun bang, tama na muna nag mga casual sex and one night stand. Yun bang, serious na muna. Pwede naman e. Kaso eto nga, darating sa hindi inaasahang oras... maiinlove ka sa isang taong never mong inisip o pinangarap. Maiinvolve ka sa isang taong wala ni katiting na pag-asa. At ang masaklap, talo ka kasi alam niya na involved ka at lalo kang talo dahil alam mong bata siya, walang pakialam sa feelings ng iba at walang inisip kundi ang ego niya.

Goodbye friendship muna. Yup, I'd rather sacrifice this friendship, 'wag na lang. Ayoko munang sumakit ang ulo ko. Hangga't pwedeng umiwas, goodbye muna.

Text mo na lang ako sa susunod 'pag may matino ka ng sasabihin. Hindi I love you, hindi I miss you at hindi forwarded na pag-iisipin mo pa ako at bibigyan ng malisya. Kahit kumusta ka? Okay na yun.

Thursday, October 4, 2007

desperate housewives thing

mahaba-habang discussion na naman 'to.

Ang totoo hindi ko kilala si Teri Hatcher, nabalitaan ko lang kanina sa office at katulad ng hinala ko, instant blog topic na naman siya.

Maaaring may magagalit pero sasabihin ko lang ang personal kong nararamdaman sa komentong binitiwan niya.

Sa akin, totoong maraming masasaktang mga Filipino, lalo na ang mga OFW's natin na medical-related ang work, totoong may pagkairesponsable ang nagsulat ng kwento. Pero gayunman, hindi ako nababahala at hindi ako naapektuhan.

Iniisip kong ito ay isang literature. Hindi natin masasala, hindi natin mapipigilan ang mga manunulat gaya natin. Totoong may kanya-kanyang biases sila. Alam naman natin ang potential natin, alam natin na magaling tayo, masikap kahit kapos ang ating educational institution sa mga gamit. Kaugnay nito, alam din natin minsang  naiskandalo ang Nursing Board Exam na maaaring pinanggalingan ng ideya mula sa manunulat. Natawa ako sa isang comment mula sa isang blog tungkol dito, sabi niya, bakla daw ang nagsulat. Parang dun pa lang, parang may himig discrimination ata.

I dont think makakaapekto masyado sa mga manonood ang ganoong comment. Sa mga pelikula natin o programa sa tv, hindi ba't hindi rin nakaliligtas ang mga dayuhan. Ang mga Indian halimbawa, ang mga Chinese o Tsinoy, ang mga Hapon, mga Koreano  kahit naman mga Amerikano minamaliit natin. Nagkataon lang na Filipino ang wika at hindi naiintindihan maipalabas man sa labas ng bansa o mapanood ng dayuhan.

Hindi naman natin mahihingi ang respeto o pananalig mula sa kanila gaya ng respeto natin para sa kanila.

Hamon ito para sa atin na lalo pang pagbutihin ang ating mga trabaho, pagalingin ang ating mga institusyon at ayusin ang hindi magandang imahen ng bansa sa pamamagitan ng paggawa ng tama.

Baka naman masyado na tayong nagiging sensitibo at hindi na natin naihihiwalay ang sarili natin sa binabasa at napapanood natin.

Gaya naman ng pagsusulat, hindi ba mayroon rin namang mga taong nagrereact taliwas sa sinusulat mo.  May mga programa sa TV na hindi mo gusto ang linya. Para sa akin maliit na bagay ito para bigyang pokus at pasakitin ang ating loob. Opinyon lang. Ika nga, trabaho lang.

Tuesday, September 25, 2007

Last Quarter (Identity) Crisis

Every 4 years lang ang cycle ng buhay ko. Trend. alam ko na, na on the first year, adjustment, second year experimental, third year soar high and 4th year insanity. Pwede ring sa unang taon absorb lang ng absorb, ikalawang taon I share my thoughts, third ako na ang pinakikinggan at pang-apat whimsical.

kaya nga tinatanong ko na naman ang sarili ko, hello, eto na ba yun? eto na ba yung year na mababaliw na naman ako sa pag-ibig. Oo nga pala, apat na taon na ang nakalipas. Apat na taon na ring naiba ang mundo ko.

2003 noong mameet ko ang best friend ko. Katrabaho ko siya noon. Naikwento ko na ata siya ng pahapyaw dito - tungkol sa unspoken words ko. Cliche pero nangyayari. Nainlove ako sa bestfriend ko. Actually hindi yun ang nagpakumplikado dun, kaya nagulo ang mundo ko ay dahil from the start, alam ko na gay ako at alam niya na gay ako. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako nainlove sa kanya e babae siya.

To make the story short, hindi naging kami at apat na taon na ang nakalipas ng halos masira ang ulo ko.

Last month sa isang work related activity, naglead ako ng isang program. After 2 weeks, sobra na ang bonding ng mga involve sa activity. Napadalas ang labas, ang inom at chitchat.

I smell the same air. 4 years ago, ito ang nararamdaman ko.

Now im facing the same feelings but I think I learned my lesson, iba na ang sitwasyon. Hindi sa kinokontrol ko ang feelings but i guess i should slow down, rationalize my feelings and check kung may patutunguhan nga ba ito. Kung masisira lang ang pagkakaibigan namin ay di bale na lang.

Noon okay lang. Sabi ko, hindi pwedeng isa-isantabi ang feelings, hindi pwedeng "what if". At nasacrifice na ang friendship, hindi rin naging kami.

Sweet exchange of messages. Hugs and different expressions of love. Parang kami. Parang mutual ang feelings, parang we're just waiting that someone initiates pero hindi eh, nangyari na'to. I assumed and initiated pero nabalewala.

Sana ganun kadali, sana pwede ko agad sabihin sa'yo na I love you at sana pwedeng may rules na pag hindi mo gusto ang narinig mo, pretend na wala kang narinig at magkaibigan pa rin tayo. Yung bang may immunity na ang friendship natin, hindi na maaapektuhan ng kapangahasan ko.

2004, malakas ang loob ko, I love you, oo im gay, hindi ko tinago sa'yo yun, pero gay ako sa thoughts, never been to any sexual activities nor romantic relationship. Pero hindi mo tinanggap yung statement na yun.

2007, paano ko sasabihin sa'yo na mahal kita. Alam mo na that I'm gay. alam mo na ngayon na after my disappointment with her, niyakap ko ang mundo ko. Na nakipagrelasyon ako sa kapwa ko. na nakipagsex ako. Paano mo ko tatanggapin ngayon? Ni kapirasong pag-asa, wala akong makita.

Ito na ba yung araw na iiyak ako? Maawa sa sarili, sisisihin ang sarili kung bakit ko hinayaang maging ganito ako. Ito na ba yung panahong tatakbo ako ng malayung-malayo o magbabyahe - magpapakalayu- layo? Ito na ba yung panahon na titigil ako sa simbahan at magdarasal.

Sa ngayon, natuto na ako. I'l keep my sanity. Minsan, hindi tanda ng pagiging duwag ang magtago ng nararamdaman. Gusto ko, hindi mo man ako tanggapin, buo pa rin ako pagkatapos. Yun bang sa tamang panahon, ipagtapat ko man at hindi mo tanggapin ang feelings ko, mawala ka man, masisiguro ko naintact ako at hindi ko maiwawala ang sarili ko. Natuto na ko. Siguro I'l love you today and I'l tell you this ... maybe tomorrow.

Monday, August 6, 2007

hanggang dito na lang at maraming salamat

napasugod ako sa robinsons para panoorin ang indie film na'to. no expectations. gusto ko lang makita, alamin kung may bago.

tama. may bago. maraming bago.

masarap panoorin ang pelikulang hindi mo alam ang magiging katapusan. pelikulang simple ang tema pero maaaring palalimin.

acceptance.

ito ang simpleng paksa.

nagsimula at tinapos sa pamagat na hanggang dito na lang at maraming salamat.

hindi umikot ang pelikula gaya ng malikhaing pamagat bagkus tuluyan.

gaya ng kulay na rosas na kumawala sa alapaap, kalayaan din ang kinahantungan ng pag-amin at pagtanggap  o ng pagtanggap at pag-amin.

----

isang kaibigan ang umamin sa kanyang kinakasadlakang bisyo sa kasalukuyan, totoong ang pag-amin ay kalayaan subalit hindi madali. lalo pa't naghahanap siya ng sagot kung paano sosolusyunan ang kinasasangkutang gawain.

ako rin. ilang ulit ng umamin. minsan nga ay naiinis ako pag napapansing ang pag-amin ay isang kalayaan upang tanggapin ka, minsan ang pag-amin ay hindi sapat, minsan ang pag-amin ay kasangkapan para mapadali ang lahat at mapatawad ka.

sa totoo lang, may mga bisyong mahirap takasan.

at minsan, dahil tinatanggap nating mahirap itong takasan, lalo tayong hindi nakakawala.

Thursday, July 19, 2007

bathhouse - mahabang gabi.

pumunta ako mag-isa. ako lang. isang madaling-araw ng dinala ako ng curiousity. may membership fee pala. okay lang. kailangan ng ID. wala akong dalang fake id kaya kailangan kong ibigay ang lahat ng tamang impormasyon.

sa loob, madilim. may karaoke bar at may isang kumakanta. nakakapagtakang walang tao. sa paglalakad ay may nakita pa akong mga kwarto. may tambayan. may gym. wala akong kakilala. maraming nakatingin. pero hindi ko matandaan kung nagkita na ba kami o hindi pa.

may locker. nakatowel na naglalakad ang mga tao doon. tapos may isang iskinitang pinupuntahan. shower room.

malinis naman.

paikot-ikot. palakad-lakad. tumambad ang sari-saring katawan.

sa isang sulok, maraming nakatambay. pinuntahan ko. may hagdan paakyat.

umakyat ako. marami sila. mga nakatambay sa mga pinto. puro kahon. parang shoeboxes. nakatingin sila sa lahat ng dumadaan. may ilang pumapasok sa kwarto.  minsan may tatlo o apat. may kalabugan. may tawanan. may TV naman sa gawing kanan.

may isang nakatingin. nanghihikayat.

sa loob.

madilim.

bago ka dito?

oo.

kaya, halata nga na  bago ka.

e ikaw?

matagal na ko dito. tambayan bago umuwi. mura lang kasi dito.

kanina pa ko dito pero di ko alam kung anong diskarte.

bakit wala kang kasama?

wala.

......

magkikita pa ba tayo?

hindi ko alam.

lalakad ka ba ulit.

hindi, uuwi na ko.

hindi ka uulit? isa lang? 

ha? hindi ako komportable. ayoko na ata.

masasanay ka rin. ako rin dati ganyan. pero okay dito.

gano ka na katagal dito?

matagal na. marumi na ko.

-----

sa paglabas, sa pag-uwi ay hinarang ako ng pulis. checkpoint.

ilang sandali pa. aksidente.

Sunday, July 1, 2007

be famous or be anonymous

natigilan ako sa isang billboard na 'to sa edsa. naisip ko tuloy na kailan kaya ako magkakaroon ng mukha sa billboard. iba nga siguro pag kilala ka - pag sikat. pero siyempre mahirap din ang maintenance nun. hindi rin biro at minsan- mabigat ang kapalit.

Nakakabadtrip din namang gumimik kung lahat ng tao ay nakatingin sa'yo. bantay sarado ka.  akala kasi ng lahat, pag sikat ka, may karapatan na silang husgahan ka at gawing pulutan sa inuman, kwentuhan at gawing academic subject. ang masama, misan kahit sa sermon ng pari ay kasama ka.

isang gabi, nakigimik ako sa mga "business partners" namin. napansin kong naiba ang topic at napunta sa mga pang aalaska sa PLU community. di ko alam kung paranoid ako o sadyang ako ang pinatatamaan. unti-unti naramdaman ko na ako nga.

treat ko yun pero parang gusto kong lagyan ng lason ang pagkain sa sobrang kabastusan ng pinag-uusapan lalo pa't alam kong alam na nila o may nag-inform sa kanila kung ano talaga ako. wala akong planong ipakilala ang sarili ko o ni idiscuss ang pinili kong lifestyle, wala rin akong pakiaalam kung napanood nila o kung meron man akong kumakalat na video scandal. ang sa akin lang, kanya-kanyang drugs yan. ito ang trip ko at wala silang pakiaalam. ngayon, kung hindi nila masikmura ang mga ginagawa ko at mga choice na pinili ko 'e wag silang makikain (hehehe) at makirubbing elbow sa'kin.

hindi ko kailangang sabihin na hindi ako masamang tao,well alam ko yun at maraming magsasabi na mabuti ako... yun nga lang, may ilan na naaalibadbaran na nga, sumasawsaw pa.

hindi naman tayo pinagtagpo para pagtsismisan ang isa't-isa, business to. walang morality issue dito. sa corporate, ang dulo ay inventory ng sales. kung bumenta ba tayo o hindi. kung effective ba ang strategy natin o gagawa tayo ng bago. Hindi kung malinis ba siya, kung ilan ang asawa niya o kung silahis ba siya. magreact ka kung hinarass ka. pero kung ikaw ang nanghaharass dahil sa baluktot mong ugali at masangsang mong mga salita, baka dapat ikaw pa ang husgahan.

gayunman... business as usual.

Monday, June 11, 2007

More today than yesterday!

when it rains... it floods.
----------------------------------


I dont remember what day it was
I didnt notice what time it was
All I know is that I fell in love with you
And if all my dreams come true
Ill be spending time with you
Every days a new day in love with you
With each day comes a new way of loving you
Every time I kiss your lips my mind starts to wonder
And if all my dreams come true
Ill be spending time with you

Oh I love you more today than yesterday
But not as much as tomorrow
Oh I love you more today than yesterday
But darling not as much as tomorrow

Tomorrow makes each springtime just a day away
Cupid we dont need you now be on your way
I thank the lord for love like ours that grows ever stronger
And I always will be true
Ill be spending time with you

Oh I love you more today than yesterday
But not as much as tomorrow
Oh I love you more today than yesterday
But darling not as much as tomorrow

Every days a new day, every time I love ya
Every times a new way, every time I love ya...
Very days a new day, every time I love ya
Every times a new way, every time I love ya...
Every time I love ya...

Monday, June 4, 2007

more than SEB

namiss ko na ang pakikipagdate. ang pakikipag mushy-han. namiss ko na ang pagtatangi - pag ke-care. namiss ko na ata ang magmahal. meron bang handang sumugal?

paramdam ka lang.

requirements:

1. may trabaho

2. may matinong trabaho ;)

3. 26 years old pataas

4. can handle conversations, hindi utak ....

5. masayahin

6. mahilig maglakbay

7. marunong gumalang, may respeto

8. nakapagtapos ng pag-aaral

9. walang hang-ups

10. nasabi ko na bang may trabaho?

Tuesday, May 8, 2007

Ikaw,

paggising ko kanina, naramdaman ko ng iba ang araw na'to.

may kung anong kumurot sa dibdib ko. nagtext ang ex ko pero alam kong hindi sapat ang hapdi ng naramdaman ko para sabihing siya nga siguro ang dahilan kung bakit iba ang araw na'to.

ayoko naman talagang talakayin kung ano ang nararamdaman ko sa'yo. para sa'kin tapos na tayo.  lalo namang ayokong bigyan ka ng puwang sa blog na'to pero sige, once and for all, para may idea ka sa nararamdaman ko sasabihin ko na... sobra mo kong hindi nirespeto. Galit ako hanggang ngayon. nagagalit ako lalo na sa t'wing magtetext ka na parang wala kang kasalanan. naiinis ako lalo habang naiisip kong nagagalit ako, na alam kong mabait ako at hindi marunong magalit pero dahil sa'yo, pinapalitan nito ang ugali ko. gusto ko sanang kausapin ko o magtext back sa'yo pero hindi ko magawa dahil nauunahan ako ng galit at kawalang tiwala. natatakot ako na baka mapadalas ang text natin at malimutan kong ginawa mo kong tanga. sa tono ng salita ko... alam mong galit ako di ba? kaya tama na. wala na akong nararamdamang pagmamahal sa'yo at hayaan mo na akong maging payapa. kung nagiguilty ka, hindi ko makocontrol ang nararamdaman mo. hindi ko na responsibilidad na tanggalin ang guilt sa puso mo. sayang ang oras kung susubukan pa nating maging magkaibigan. sa ngayon, hindi na muna.

kanina, pagdating ng hapon, kinabahan ako. lalong tumingkad ang duda ko na iba ang araw na to. at totoo nga, bahagyang  pinakalma ako ng tsaa. pero ng bumuhos ang ulan, nasabi kong ito ang araw ko.

sa itaas ng gusaling pinagtatrabahuhan ko, alam kongmaktatagpuan ko ang hinahanap ko. kinilabutan ako sa lamig na dumampi sa katawan ko. alam kong narito, nasa paligid ang hinahanap ko. siguro nga nagdidiliryo ako pero sa mga oras  na ito, alam kong nakatakda ang bago kong mamahalin. alam kong may nagaganap na para sa akin, para sa atin. sa'yo na mamahalin ko at itinakda para sa akin. kung nasaan ka man, alam kong ipinaramdam ka sa akin sa mga oras na ito. alam kong hinahanap mo rin ako. at ngayon... pinag-uugnay tayo ng panahon, maaaring ang lamig na dumampi sa akin ay mula sa buntunghininga mo o ng kaluluwa mong naglalakbay upang makatagpo ako. naniniwala akong matutuklasan kita... sa mga darating na araw.

ngayong bumubuhos ang ulan, iniisip kong hindi ako matatakot, iisipin kong ang buhos ng ulan ay pagkakataon upang makilala natin ang ating mga sarili. hindi tayo magpapayong. dadamhin natin ang panahong ito, ang pagkakataong magtatampisaw tayo sa ulan, waring mga batang sabik sa ulan, waring puso nating sabik na nagkatagpo. at ang pagkikitang iyon ang pagpapainit sa atin.

hahanapin kita. hindi ako maghihintay. susundan ko ang bulong ng panahon. magkikita tayo. manalig ka.

Monday, April 2, 2007

morning dew

tuwing umaga iniisip ko na sana makasakay ulit kita. halos dalawang taon na nga tayong seatmate sa van but still hanggang ngitian, tango at pag oofer ng upuan lang ang alam nating gawin. siyempre alam na alam ko kung saan ka bababa. mas pinipili pa nga natin na driver seat tayo di ba? at kung sakali na nakaupo ka na near the driver at ako ang timing na uupo sa tabi mo, bababa ka pa dahil alam mong una ka naman talagang bababa kesa sa akin. ganito ang dynamics natin sa halos araw-araw na nagkakasakay tayo. pero sa loob ng 2 taon, ni hindi mo naitanong ang pangalan ko at ni hindi mo rin nabanggit ang sa iyo. pero okay lang na masandal ka sa balikat ko at ako rin sa iyo. panatag na tayo sa isa't-isa at sadyang nagkakaunawaan na sakaling masandig o maidlip sa balikat. mukha ka namang mabait at di mo naman halata na minsan, naglalaro sa isip kong kasuyo kita. habang kumakanta ako sa isip ko ng passenger seat.

 nang lumipat ako ng trabaho, hindi na tayo nagkita. iba na kasi ang byahe ko. hindi ko naisip na kasama sa paglipat ng trabaho  ang syang pagliko ng pagkakataong magkakasama pa tayo.

hanggang sa minsang muli akong mapasakay sa van upang tumungo sa isang imbitasyon na kung saan ay ako ang panauhing pandangal. naisip ko lang na sana makasabay ulit kita para inspired ako sa talk na gagawin ko.

wala ka sa van. tanging alaala lang at pag-asang sana ay magkasakay tayo ngayon. gumuguhit sa imahinasyon ko ang mga pagkakataong napapadikit ako sa iyo ng hindi sinasadya, at pagkakaidlip mo sa balikat ko at ang minsang makita tayo ng driver na malayo pa lang at nagsabing reserve na ang upuang iyon para sa ating dalawa.

Ito tayo, seatmate. hanggang duon lang.

binagtas ko ang daan patungo sa opisinang iyon. handa na sila para makinig sa akin. subalit naantala ng sabihin ng nag-imbita sa atin na hindi maaaring gamitin ang venue na iyon dahil may nauna palang nagpareserve. kaya naman kailangang kausapin ang property custodian, sinamahan ko ang kaibigan ko at gayun na lamang ang pagkatulala  ng makita kita.

ipinakilala nya ako sa iyo. matamis na ngiti ang ibinato mo at sinabi mong matagal na kaming magkakilala.

ang pinagkaiba lang ngayon alam mo na ang pangalan ko at alam ko na rin ang pangalan mo. kumusta na lang sa mga anak mo at alam kong lalaki silang mabubuti, pihadong gagabayan sila pagkat dala mo pa rin ang aral ng Diyos na natutunan mo sa seminaryo.

Thursday, March 22, 2007

kasal

uulitin ko, hindi ko hinihingi ang basbas ninuman. hindi mahalaga sa'kin ang pahintulot ng batas o ng simbahan. hindi mahalaga ang matrimonya ng kasal. hindi ritual ang magbubuklod sa atin at hindi ko hahayaang ang pag-iibigan ay katatampukan ng samu't-saring palabas na hindi naman nauunawaan kung bakit kailangang may aras, kandila o mga abay.

ikakasal ka sa akin at ako sa iyo, hindi sa templo kundi saan mang may pagkakataong magkasarilinan tayo. magpapalitan ng katapatan, maghahayag ng nararamdaman, mangangako ng pakikiisa ng damdamin, sa lugar na naipapahayag ko ang sarili ko sa iyo at ikaw sa akin ng walang halong pagkukunwari. dito paulit-ulit nating pagbibigkisan ang ating mga pangako. paulit-ulit nating ihahahayag ang ating damdamin. paulit-ulit tayong magtitipan. ikakasal tayo sa tuwing nagkakasarilinan, nagkakaunawaan matapos ang alinlangan o gusot na pinagdaanan.

sa pagitan natin ang pananampalatayang may lumikha na nakauunawa sa atin, na hindi tayo hinuhusgahan at lalo tayong minamahal, pagkat ang pag-ibig nati'y singwagas ng kanyang pagmamahal, puno ng katapatan. Kabutihan ang ugat ng ating pag-iibigan.

ang mahalaga hindi ba ay ang pag-ibig na totoo? Malaya.

Saturday, March 17, 2007

Ang Ladlad

simula ng malaman kong hindi ako straight na lalaki (gusto ko ng tapusin ang blog nato kaya hindi ko na ididiscuss ang 'straight' na term dahil kahit ako hindi kumbinsido sa term nato), hindi ako nahirapang tanggapin ang sarili ko. ang alam ko non, may option akong mamili kung straight male or gay pero dahil mas comfortable ako dito at ayoko ng pahirapan ang sarili ko sa pagpaprocess, ito ang pinili ko.

sa simula mahirap talagang kumilos dahil kasama ng pagpili ko sa buhay nato (take note, naniniwala ako na malaking bahagi ang pagpili sa preference nato kung pag-uusapan ang behavior, pero kung pagtatalunan ang existence nito, hayaan na nating pagtalunan yan ng mga walang magawa at bored sa buhay), ay ang pagpili kung maglaladlad ako o magiging tago. Ang tawag nila sa out;  loud, screaming faggot, baklang parlor, minsan effem at yung tago naman; paminta, discrete, straight acting, decent (eto na ata ang pinakamaling tawag) o tripper (hehehe wag kayong maniwala dito). Sa dami ng tawag, na offensive pa nga yung ilan, mas pinili kong maging straight-acting. Dito ako comfortable. Dito kasi, naiiwasan ko yung lantarang pang-iinis, panghuhusga at pagtrato na katawa-tawa ko kahit alam kong pinag-uusapan din ako pag nakatalikod ako.

Nung simula, mahirap lalo na nung nagbibinata ako este nung nasa puberty stage. sa panahon nato, kahit kami, sinisibulan ng batang pag-ibig. hehehe. so pano ko haharapin ito kung inlove ako sa bestfriend ko (cue/ music please: this guys in love with you pare) yun lang ang issue ko noon. hindi ko issue na iba ako dahil eversince ata, papansin na ako at gusto ko, laging iba ako.

minsan naglalakad ako pauwi, sinigawan ako ng mga batang kaage ko, tapos hinabol ako, takbo naman ako. humahangos, takbo ng takbo mala forrest gump, gusto kong lumipad nun, hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol, ang alam ko lang, kung bakit ako tumatakbo. kasi nga baka buntalin ako pag naabutan ako. mabilis akong tumakbo, nung malapit na sila, ikinampay ko ang mga braso ko parang isang ibon. iniisp ko nun lilipad ako. bigla na lang napansin kong hindi na sila humahabol at naghahagikgikan. isang mahinang pukol ng maliit bato sa hita ko ang tumama, at narinig ko na lang ang isang sigaw na bakla! tapos nun umalingawngaw ang mga tawanang parang mga pato na hindi makalipad at puro ingay at dada!

Hindi ako nagalit, hindi ko rin inisip na mainit ang mata ng mga batang tulad ko sa akin. ang iniisip ko nun, may naitatago akong lakas. kaya kong lumipad. isa akong powerful na bakla!

isa pang malinaw sa akin nun, hinahabol nila ako hindi dahil bakla ako, hinahabol nila ako dahil gusto nila akong pagtripan. nung ikinampay ko ang mga kamay ko. saka sila tumigil sa paghabol. Malinaw sa akin na nung nalaman nilang di ako kabaro at bakla ako, pinabayaan nila ako sa pagtakbo. may rules, laws and customs din sa war di ba? hindi laging harsh ang world samin.

Kaya nga habang lumalaki ako, hindi ko itinanim sa isip ko na marginalized kami. hindi ko nga iniisip na isa kaming sector. my gosh. buntot ko hila ko. saving my own ass lagi. di ako naniniwala sa organization. minsan, sa isang grupo ng mga bading, nakiumpok ako. in fairness, matatalino ang grupong ito at hindi lalaki ang pinag-uusapan nila, hindi gaya ng mga babae na pinag-uusapan ang mga lalaki pag nagkaumpuk-umpukan at mga lalaki na pinagtsitsismisan din ang mga babae (blog ko to bakit ba! minsan lang naman akong maging mean at magstereotype), kami ang pinag-uusapan namin. politics! kung sino ang masarap na politicians at sino naman ang mga politicians na kabaro namin. kaya nga represented kami sa congress.

balik sa umpukan. hindi magkasundo nung pag-usapan ang representation sa kamara. sa akin kasi, ano nga ba ang ipaglalaban, ano pa ang kulang, anong karapatan ang wala sa amin. ibigay na natin sa PBA 'yan, ibigay na natin sa nakararanas ng insecurites sa buhay. hindi ako naniniwala sa kasal, kung kasal ang gusto nila. hindi naman pwedeng hingin ang wage increase across the board sa lahat ng gay dahil sa contribtuion nila sa society. naisip ko lang pag ginawa to, lahat ng closet mag a -out. atleast hindi mahihirapan ang nso sa pagtaya kung ilang bading na meron sa pilipinas.

pwede bang hingin na special discount sa mga bading pag bibili ng kolorete sa katawan? special CR sa mga malls? im sure bading din ang magpoprotesta. hmmm. ayoko ng iexplain at baka awayin ako ng mga conservative na bading.

special schools kaya? kaya na namang gawin yan ni mother ricky reyes.

para sa'kin kasi. ang batas, universal yan. generic ika nga. yung special laws para sa babae sa matanda o buntis, o handicap, applicable naman sa lahat, (maliban pala sa buntis).

kahit wala namang batas. kahit walang kamara.

ang kabutihan, common sense yun para sa'kin. hindi ko maaawat ang mundo na saktan ako, o di kaya hiyain ako. hindi ko sila mapipigilang 'wag akong itratong iba, o di kaya ay bigyan ng espesyal na pagtingin. ang alam ko lang, pag nanganganib ako at hinahabol... tatakbo ako, ikakampay ang pakpak. iiwanan ko sila. sabay sabi ng eat my dust mga pato!

Thursday, March 8, 2007

Sex tayo


Sa loob ng isang Linggo, nakaapat na seb ako. Breaking my past record. At siguro isama na ang frequency ng mastr*bati*n. hedonistic na ata talaga ako. Nagtataka lang ako kung bakit napapadalas ngayon. Pwde kong isipin na unti-unti ay may nangyayari sa image enhancement ko o di kaya pwede rin namang isipin na wala na akong inatupag kundi magchat. Tsk. Tsk. Tsk.


Habang tumatagal at sa paulit-ulit kong pakikipagsex ay palala ata ako ng palala. Take note: 27 different guys for 3 years and more or less 40 sexacapade dahil yung iba nauulit). Maliit pa ang bilang na ito compare sa iba pero come to think of it, di biro ang sexual behavior na ‘to. Natatakot ako hindi dahil most of it ay di protected kahit walang penetration; may probable risk din naman lalo na kung may exchange ng fluid. Anyway, ang mas nakakatakot ay ang behavior ko na mas nagiging risk taker.


Mahirap naman kasing tumanggi lalo na kung may right venue,di na rin hassle ang place. Karamihan sa kanila ay may place. Kailangan mo lang talagang puntahan at gaumastos para sa pamasahe.


Dim light, may art sa paghuhubad, sa pagpapapagapang ng kamay sa katawan hanggang sa pagdampi ng mga katawan. Dati napapanood ko lang sa tv, iniisip ko lang na ginagawa ko sa crush ko, pero ngayon, malaya kong naipapahayag ang katawan ko. Ang pinakamasarap, ang pagdampi ng mga labi na tila may hinahalukay, tila mga dila ng apoy na nagsasanib upang lumikha ng mas malaking ningas. Ito ang pagtatalik ng aming mga kaluluwa. Hanggang sa ang apoy ay tuluyang lumiyab at magpainit sa aming katawan. Huhugutin ang enerhiya at magpapagalaw sa lahat ng parte nito. Isa na kaming pinagsanib na lakas na handang sumagupa sa aming mga dating sarili at mga nagtatagong sarili; tila luwad na pinatigas at hinubog sa init ng araw. Kami’y mga hinubog ayon sa kamay ng iba, hinulma at ginawang sisidlan, pinaupo sa panggatong upang ipakitang matibay at kapakipakinabang. Ibinabalik ng pagtatalik na ito ang aming pinagmulan, ang katotohanan ng aming pagkatao – ang siyang kalikasan namin. Na kami’y mga luwad – mula sa pino at malambot na luwad.

Gayunman, hindi lahat ng pagtatalik ay singsarap ng imahinasyon. May mga pagtatalik na walang komunikasyon ng kaluluwa kahit naglalapat ang katawan. Mabilis at tila trabahong kailangan lang matapos.


Hinahanap ko pa rin ang pagtatalik na may kasamang pagmamahal. Pagtatalik na nag-uugnay sa dahilan ng bawat isa… na ginagawa natin ito upang pakawalan ang sarili habang kinukulong ng mga yapos ng bisig. Na ang dahilan ko ay dahilan mo rin. Na matapos iyon ay hindi tayo mahihiyang makitang hubad ang ating katawan. Na hindi tayo magmamadaling magbihis. Na mag-uusap pa tayo pagkatapos. Magkukwentuhan tungkol sa atin. Na ang totoong orgasm ay ang pag-uusap natin, ang pagharap natin sa bawat isa matapos iyon at makitang nasiyahan tayo parehas. Na nag-uusap tayo ngayon upang buuin ang mensahe ng ating pagtatalik. At titiyakin ang mensaheng ito sa muling pagtatalik. Hanggang sa maunawan natin na ang pagtatalik ay pag-uusap. Komunikasyon ng kaluluwa at hindi lang ng katawan.

Sunday, February 18, 2007

troika

medyo conventional ako pag pinag-usapan ang sex. actually even sa act, medyo boring. hanggang sa marealize ko na kailangan ko ring mag explore. hanggang one time may naginvite ng threesome.

textmate yung nag invite. at first hesitant pero since nakainom na at nasa area, pinuntahan ko rin.

pagdating ko sa unit na nirent nila nakahiga na yung isa, yung isa naman yung nagbukas ng door. hindi ko alam kung sino sa kanila ang katext ko kaya napilitan akong magtanong.

akala ko awkward ang feeling pero nung andun na, ok lang. tuloy-tuloy ang event. yun nga lang, sa experience kong yun, narealized ko na kahit pala 3some, may sinusunod na batas. to be honest, mas appealing yung guy na andun compare sa textmate ko, pero kahit attracted ako sa kanya, hindi ko magawa (even siya - i assumed na same feeling kami sa isa't-isa) na iexplore at i-enjoy ang isa't-isa. textmate ko ang common guy sa'min.  at ayokong maoofend siya. may ethics pa palang dapat sundin kahit ganito ang behavior namin. yun ang ironic at yun ang di ko macomprehend.

i felt her arms; trying to reach me after that.  dumidiskarte.

pero hindi tlga pwede. kahit gusto kong kunin ang number niya hindi ko nagawa.

maliit lang ang mundo. im sure sa susunod, magkikita pa kami. this time... yung initiative namin at walang kasama.

Tuesday, January 16, 2007

This guys in love with you pare!

 


Maaga akong naeducate tungkol sa lovelife na appropriate for gays and bi’s. wala naman talagang rules pero ika nga, dun ka na sa mutually beneficial. Never fall in love with straight guys sabi nga.


 

Never naman talaga. Walang dating sa’kin pag straight, I mean, since alam kong di naman possible yun (opinion ko lang), hanggang appreciation lang ako at di na nag-go-go beyond that – until I met Johnson.


 

Roommate ko sya for almost 10 months. He’s new in manila at ako, nagdodorm para sa schooling. Since halos same age kami, madali kaming nagjibe. Goodlooking si Johnson. As in good-looking sya. Even though blessed sya with that face, di yun naging dahilan para maattract ako. I know from the start na straight sya.


 

Until one time, I decided  to check my closeness, nagkamalice ako at sa isang iglap, nagcrash ang mundo ko… inlove na pala ko.


 

Na-Inlove  ako dahil sira ang ulo niya. Nalaman kong may kagaguhan sya. Badboy pala. Madali siyang mapikon sa iba naming roommates at owner. Isa pa – madali siyang magsurvive – napakapraktikal nya sa buhay. Kung ibang tao – iisipin kong garapal siya, pero dahil in-love ako sa kanya, cool ang dating! Cool na hindi siya bumibili ng payong dahil hinihiram niya ang payong ko araw-araw kaya ako ang nababasa sa ulan. Cool na nakikipag-away siya sa owner na 3X older sa kanya. Cool siya dahil nakapasa siya nung college sa pandaraya sa research niya!


 

Maraming matang umaaligid sa kanya dahil maraming bading sa dorm. At very vocal sya sa mga issues niya against gays. Katakot, mukhang uumbagan ako nito pag nalaman niyang di ako straight.


 

Mga 3 weeks syang nawala. No communications at all. Bothered ako. Sobrang kabado. This time confuse ako lalo. Hindi ko alam kung hinahanap ko siya at botherd ako dahil mahal ko siya o dahil sa pagkakaibigan namin. Hindi ko alam kung ‘sang level – pero 1 thing for sure; takot akong mawala siya.


 

One night he arrived as if nothing happened.


 

He rested without telling his stories. I was studying for my midterm exam when he woke up and started to apologize.


 

He said he was out for weeks because ( he showed his finger), ‘kinasal na ko’


 

Nakabuntis siya. Mahal magpakasal. Limited budget. Malayo ang place nila. Nakakahiya sa’kin. Im studying. Maaabala pa ako. At marami pang dahilan na hindi ko na matandaan. O sadyang ayokong intindihin.


 

Ayokong tingnan ang wedding ring. Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko nun. Nagtatalo. Badtrip ako hindi dahil sa nagpakasal siya, nabadtrip ako dahil hindi man lang niya naconsider ang pagkakaibigan namin. Ni hindi niya nabanggit na may girlfriend siyang nbautis niya. O kahit hindi niya ko imbitahan, kahit ininform niya lang
sana ako na ikakasal na siya. Yun lang. Hindi ako nagdedemand… pero nag eexpect lang ng isang explanation na deserve ng isang kaibigan.


 

After that natulog na ko. Hindi ko na tinapos ang pagbabasa at di ko alam kung paano natapos ang conversation.


 

Kinaumagahan. Wala na siya. Pumasok na. Kumain ako. Di ko napansin na nakatingin na sa’kin ang mga tao dahil umiiyak ako sa restaurant. Wala akong pakiaalam kung ano isipin nila. Basta alam ko, nagsisink-in na sa akin ang lahat. Pakiramdam ko – ang baba ng moral ko. Nasasaktan ako dahil nagmahal ako at naging kaibigan ako. Hindi man
sana nasuklian ang pagmamahal ko –
sana man lang, kahit yung pagiging magkaibigan namin.


 

That night, badtrip siya sa ka-roommate namin. Same issue – badtrip siya sa mga bading. Hindi na ko nakatiis, siguro dahil napikon na ko. Nang isa-isahin niya ang mga bading sa dorm – na parang may gaydar siya, tinanong ko siya kung ano ang tingin niya sa’kin. Sabi niya lalaki. Hindi ako kumibo. (Silence) tumingin siya sa’kin at nagtanong kung ano nga ba ng di ako kumibo? Sabi ko, I’m one of them.


 

Napahiga siya sa
kama. Buntunghininga. Nagtakip ng unan sa mukha at ng matauhan ay nag-ayang kumain sa labas.


 

I laid my cards. Bahala ka na.


 

Wala daw magbabago sabi niya. Never daw nyang napansin yun. Nagtanong siya kung may karelasyon ako at kung pano ako naging ako.


 

At nagkwento na ko. Mas malalim na pag-uusap. Mas mabigat na paghugot sa pagkatao. Mga bagay na di ko na ikinukwento pero parang sa taong ito… may responsibilidad ako – kailangan ko siyang paliwanagan. O kailangan kong ingatan na di masira ang pagkakaibigan namin.


 

Nagdesisyon siya na maghanap ng bahay dahil isasama niya ang asawa niya after a month. Sinamahan ko siya sa paghahanap. He even invited me to stay with him together with his wife but I refused. I appreciated that friendship but I want to protect my sanity. But he said if I changed my mind, sabihin ko lang kung gusto kong makishare ng house.


 

Gagraduate na ko. Aalis na ko sa dorm. Hindi pa rin siya nakakalipat. Ang alam niya lilipat ako ng ibang dorm. Pero gusto kong umuwi na lang. Mapahinga, makapag-isip at ayusin ang gulo sa buhay ko.


 

Nawala siya for 2 days at alam niya na paalis na ko soon. Every morning, kung may hihiramin siya na di niya napaalam, kumukuha lang siya ng post it at sinusulatan gamit ang mga ballpens ko.


 

Yung huling night ko sa dorm, iniligpit ko na ang mga things ko. Wala pa rin siya. Nakatulog na ko at naalimpungatan… umaga na, paikot-ikot siya, hindi ko pinapahalata na gising ako. Every morning kasi, nagigising ako pag-aalis na siya at madalas nagpapapaalam siya pero this time, di ko siya hinarap… hindi ko alam kung bakit.


 

Nakaalis siya. Nang bumangon ako, narealize ko na maybe he wanted to say goodbye. Kaso wala na nga pala ang ballpen at post it ko. Di ko rin pinahalata na gising na ko. Hindi ko alam kung paano ako aalis. Parang bitin. Parang may kulang. Nakatingin lang ako sa bintana ng nagsalita ang isa sa mga dormate ko na bading. Screaming faggot. Sabi niya..mahirap maging bading… magmamahal ka pero di ka naman mamahalin. Hindi ko alam kung bakit siya nagsalita ng ganun. Baka nahahalata niya ko o may naalala siya.


 

Pumasok na ko sa kwarto at kinuha ang gamit. Umuwi ako pero iniwan ko ang payong para may dahilan na may babalikan ako.


 

That night, bumalik ako, kukunin ko ang payong pero wala pa rin siya. Nag-iwan ako ng note. Thanking him for the friendship. I didn’t give or leave my number. I just wanted to end it that way.


 

After a week, I read my journal and found out na yung week na umalis ako sa dorm, monthsary ng kasal ni Johnson.


 

I saw him after 2 years sa isang mall. Hindi ko na siya nilapitan. Mukha na siyang may pamilya. Malaki ng pinagbago pero mukhang masaya.