Thursday, July 19, 2007

bathhouse - mahabang gabi.

pumunta ako mag-isa. ako lang. isang madaling-araw ng dinala ako ng curiousity. may membership fee pala. okay lang. kailangan ng ID. wala akong dalang fake id kaya kailangan kong ibigay ang lahat ng tamang impormasyon.

sa loob, madilim. may karaoke bar at may isang kumakanta. nakakapagtakang walang tao. sa paglalakad ay may nakita pa akong mga kwarto. may tambayan. may gym. wala akong kakilala. maraming nakatingin. pero hindi ko matandaan kung nagkita na ba kami o hindi pa.

may locker. nakatowel na naglalakad ang mga tao doon. tapos may isang iskinitang pinupuntahan. shower room.

malinis naman.

paikot-ikot. palakad-lakad. tumambad ang sari-saring katawan.

sa isang sulok, maraming nakatambay. pinuntahan ko. may hagdan paakyat.

umakyat ako. marami sila. mga nakatambay sa mga pinto. puro kahon. parang shoeboxes. nakatingin sila sa lahat ng dumadaan. may ilang pumapasok sa kwarto.  minsan may tatlo o apat. may kalabugan. may tawanan. may TV naman sa gawing kanan.

may isang nakatingin. nanghihikayat.

sa loob.

madilim.

bago ka dito?

oo.

kaya, halata nga na  bago ka.

e ikaw?

matagal na ko dito. tambayan bago umuwi. mura lang kasi dito.

kanina pa ko dito pero di ko alam kung anong diskarte.

bakit wala kang kasama?

wala.

......

magkikita pa ba tayo?

hindi ko alam.

lalakad ka ba ulit.

hindi, uuwi na ko.

hindi ka uulit? isa lang? 

ha? hindi ako komportable. ayoko na ata.

masasanay ka rin. ako rin dati ganyan. pero okay dito.

gano ka na katagal dito?

matagal na. marumi na ko.

-----

sa paglabas, sa pag-uwi ay hinarang ako ng pulis. checkpoint.

ilang sandali pa. aksidente.

1 comment:

  1. Para sa akin, hindi ko kayang ikuwento kung ano man ang nangyayari sa loob ng isang bath house ng ganyan kalungkot. May katotohanan yung sinulat mo, pero kalahati lang ng katotohanan. Siguro nga dahil unang sabak mo. Matagal na akong di nagpupunta sa bath house, siguro dalawang taon na rin, pero sa kabila ng mga "sexual encounters" makakatagpo ka ng mga tunay na tao. Ang totoo, may mga pagkakatong makakikilala mo ang tunay na pagkatao ng isa mong kaibigan na maaaring makasalubong mo. Unfair na ilarawan ang isang lugar base sa isa o dalawang pagkakataon. Sa kabilang banda, makakakita ka ng mga taong maawa ka dahil kumbinsido sila na makadampi lang ng hubad na katawan ng isang tao, liligaya na sila, kahit sandali.

    ReplyDelete