Thursday, July 19, 2007

bathhouse - mahabang gabi.

pumunta ako mag-isa. ako lang. isang madaling-araw ng dinala ako ng curiousity. may membership fee pala. okay lang. kailangan ng ID. wala akong dalang fake id kaya kailangan kong ibigay ang lahat ng tamang impormasyon.

sa loob, madilim. may karaoke bar at may isang kumakanta. nakakapagtakang walang tao. sa paglalakad ay may nakita pa akong mga kwarto. may tambayan. may gym. wala akong kakilala. maraming nakatingin. pero hindi ko matandaan kung nagkita na ba kami o hindi pa.

may locker. nakatowel na naglalakad ang mga tao doon. tapos may isang iskinitang pinupuntahan. shower room.

malinis naman.

paikot-ikot. palakad-lakad. tumambad ang sari-saring katawan.

sa isang sulok, maraming nakatambay. pinuntahan ko. may hagdan paakyat.

umakyat ako. marami sila. mga nakatambay sa mga pinto. puro kahon. parang shoeboxes. nakatingin sila sa lahat ng dumadaan. may ilang pumapasok sa kwarto.  minsan may tatlo o apat. may kalabugan. may tawanan. may TV naman sa gawing kanan.

may isang nakatingin. nanghihikayat.

sa loob.

madilim.

bago ka dito?

oo.

kaya, halata nga na  bago ka.

e ikaw?

matagal na ko dito. tambayan bago umuwi. mura lang kasi dito.

kanina pa ko dito pero di ko alam kung anong diskarte.

bakit wala kang kasama?

wala.

......

magkikita pa ba tayo?

hindi ko alam.

lalakad ka ba ulit.

hindi, uuwi na ko.

hindi ka uulit? isa lang? 

ha? hindi ako komportable. ayoko na ata.

masasanay ka rin. ako rin dati ganyan. pero okay dito.

gano ka na katagal dito?

matagal na. marumi na ko.

-----

sa paglabas, sa pag-uwi ay hinarang ako ng pulis. checkpoint.

ilang sandali pa. aksidente.

Sunday, July 1, 2007

be famous or be anonymous

natigilan ako sa isang billboard na 'to sa edsa. naisip ko tuloy na kailan kaya ako magkakaroon ng mukha sa billboard. iba nga siguro pag kilala ka - pag sikat. pero siyempre mahirap din ang maintenance nun. hindi rin biro at minsan- mabigat ang kapalit.

Nakakabadtrip din namang gumimik kung lahat ng tao ay nakatingin sa'yo. bantay sarado ka.  akala kasi ng lahat, pag sikat ka, may karapatan na silang husgahan ka at gawing pulutan sa inuman, kwentuhan at gawing academic subject. ang masama, misan kahit sa sermon ng pari ay kasama ka.

isang gabi, nakigimik ako sa mga "business partners" namin. napansin kong naiba ang topic at napunta sa mga pang aalaska sa PLU community. di ko alam kung paranoid ako o sadyang ako ang pinatatamaan. unti-unti naramdaman ko na ako nga.

treat ko yun pero parang gusto kong lagyan ng lason ang pagkain sa sobrang kabastusan ng pinag-uusapan lalo pa't alam kong alam na nila o may nag-inform sa kanila kung ano talaga ako. wala akong planong ipakilala ang sarili ko o ni idiscuss ang pinili kong lifestyle, wala rin akong pakiaalam kung napanood nila o kung meron man akong kumakalat na video scandal. ang sa akin lang, kanya-kanyang drugs yan. ito ang trip ko at wala silang pakiaalam. ngayon, kung hindi nila masikmura ang mga ginagawa ko at mga choice na pinili ko 'e wag silang makikain (hehehe) at makirubbing elbow sa'kin.

hindi ko kailangang sabihin na hindi ako masamang tao,well alam ko yun at maraming magsasabi na mabuti ako... yun nga lang, may ilan na naaalibadbaran na nga, sumasawsaw pa.

hindi naman tayo pinagtagpo para pagtsismisan ang isa't-isa, business to. walang morality issue dito. sa corporate, ang dulo ay inventory ng sales. kung bumenta ba tayo o hindi. kung effective ba ang strategy natin o gagawa tayo ng bago. Hindi kung malinis ba siya, kung ilan ang asawa niya o kung silahis ba siya. magreact ka kung hinarass ka. pero kung ikaw ang nanghaharass dahil sa baluktot mong ugali at masangsang mong mga salita, baka dapat ikaw pa ang husgahan.

gayunman... business as usual.