Sunday, July 1, 2007

be famous or be anonymous

natigilan ako sa isang billboard na 'to sa edsa. naisip ko tuloy na kailan kaya ako magkakaroon ng mukha sa billboard. iba nga siguro pag kilala ka - pag sikat. pero siyempre mahirap din ang maintenance nun. hindi rin biro at minsan- mabigat ang kapalit.

Nakakabadtrip din namang gumimik kung lahat ng tao ay nakatingin sa'yo. bantay sarado ka.  akala kasi ng lahat, pag sikat ka, may karapatan na silang husgahan ka at gawing pulutan sa inuman, kwentuhan at gawing academic subject. ang masama, misan kahit sa sermon ng pari ay kasama ka.

isang gabi, nakigimik ako sa mga "business partners" namin. napansin kong naiba ang topic at napunta sa mga pang aalaska sa PLU community. di ko alam kung paranoid ako o sadyang ako ang pinatatamaan. unti-unti naramdaman ko na ako nga.

treat ko yun pero parang gusto kong lagyan ng lason ang pagkain sa sobrang kabastusan ng pinag-uusapan lalo pa't alam kong alam na nila o may nag-inform sa kanila kung ano talaga ako. wala akong planong ipakilala ang sarili ko o ni idiscuss ang pinili kong lifestyle, wala rin akong pakiaalam kung napanood nila o kung meron man akong kumakalat na video scandal. ang sa akin lang, kanya-kanyang drugs yan. ito ang trip ko at wala silang pakiaalam. ngayon, kung hindi nila masikmura ang mga ginagawa ko at mga choice na pinili ko 'e wag silang makikain (hehehe) at makirubbing elbow sa'kin.

hindi ko kailangang sabihin na hindi ako masamang tao,well alam ko yun at maraming magsasabi na mabuti ako... yun nga lang, may ilan na naaalibadbaran na nga, sumasawsaw pa.

hindi naman tayo pinagtagpo para pagtsismisan ang isa't-isa, business to. walang morality issue dito. sa corporate, ang dulo ay inventory ng sales. kung bumenta ba tayo o hindi. kung effective ba ang strategy natin o gagawa tayo ng bago. Hindi kung malinis ba siya, kung ilan ang asawa niya o kung silahis ba siya. magreact ka kung hinarass ka. pero kung ikaw ang nanghaharass dahil sa baluktot mong ugali at masangsang mong mga salita, baka dapat ikaw pa ang husgahan.

gayunman... business as usual.

4 comments:

  1. tama ka diyan. may kasama ako sa office na medyo iba ang trip sa buhay. sa akin naman wala lang yun pero sa iba big deal na pala. ang siste, ako ang ginwang sangkalang para ipahiya yung tao. tama nga ang sabi nila dog eat dog world ang buhay sa corporate. matira talaga ang matibay.

    ReplyDelete
  2. You are too vague. I grasped the fact that you are anxious to slit the throats of tongue waggers yrt never so clear as to the reason why you were the finger food of a beer-drinking spree. I dont give a fuck as to the reason why, really; but since you have written about it you should have at least considered the full liberty of your readers to the full grasp of what you are so distressed about. Anyway, be that as it may; just the same who gives the fuck what people say? As for me, i do my thing whether it raises eyebrows or not; as you said, its your life thus its my life and if god cannot stop me to consider retracing my steps because my footprints seem to be decadently repulsive in his sight and i stood my ground in saying what does he care; then no two feet earthbound mongrel can ever force me.
    Its your life and if indeed you do not only believe but convince that it is your life, i dont think you would even flinch at the tongue waggers in your office. As they say, they talk about you because they are just going pink and blue in the face of envy because they too would have wanted to have the guts in doing what you have been doing only that they are but chickens. Plain chickens them all.

    ReplyDelete
  3. isa lang ang lundo nyan... "mind your own life".

    pabayaan ang mga pakialamera, patayin ang mga ususera. ^^ (teka, puro pang girl ata yun ah...)

    ReplyDelete
  4. well ganyan talaga ang buhay.

    ReplyDelete