Sabi ang true love daw walang pinipili
lahat daw tayo makakaranas ng pag-ibig.
Anong mang sexual preference
dahil sabi, ang pag-ibig daw walang sinisino.
Hinanap ko yun,
sa bath house
sa massage parlor
sa sinehan
sa chatroom
sa lahat ng social network
mula friendster hanggang multiply
kahit sa g4m
pero wala ka.
wala ang pag-ibig.
'Wag ko daw hintayin
at wag hanapin.
Paano kung naghahanap na ang puso ko?
Mapipigilan ko ba ang lumbay at pangungulila?
Kahapon, pagod at puyat sa kakachat
pumasok ako at nakita kita.
hindi maaari, hindi ikaw nag hinahanap ko.
Pero tumibok ang puso ko.
May kung anong nakita ngayon na hindi ko nakita noon.
Magkaiba tayo,
hindi ako pumapatol sa straight.
Siraulo ka alam ko,
iba ka tumingin.
posible kang pumatol o maging tripper,
pero hindi iyon ang hanap ko,
lilipas din ito.
Saturday, May 17, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)