Tuesday, January 16, 2007

This guys in love with you pare!

 


Maaga akong naeducate tungkol sa lovelife na appropriate for gays and bi’s. wala naman talagang rules pero ika nga, dun ka na sa mutually beneficial. Never fall in love with straight guys sabi nga.


 

Never naman talaga. Walang dating sa’kin pag straight, I mean, since alam kong di naman possible yun (opinion ko lang), hanggang appreciation lang ako at di na nag-go-go beyond that – until I met Johnson.


 

Roommate ko sya for almost 10 months. He’s new in manila at ako, nagdodorm para sa schooling. Since halos same age kami, madali kaming nagjibe. Goodlooking si Johnson. As in good-looking sya. Even though blessed sya with that face, di yun naging dahilan para maattract ako. I know from the start na straight sya.


 

Until one time, I decided  to check my closeness, nagkamalice ako at sa isang iglap, nagcrash ang mundo ko… inlove na pala ko.


 

Na-Inlove  ako dahil sira ang ulo niya. Nalaman kong may kagaguhan sya. Badboy pala. Madali siyang mapikon sa iba naming roommates at owner. Isa pa – madali siyang magsurvive – napakapraktikal nya sa buhay. Kung ibang tao – iisipin kong garapal siya, pero dahil in-love ako sa kanya, cool ang dating! Cool na hindi siya bumibili ng payong dahil hinihiram niya ang payong ko araw-araw kaya ako ang nababasa sa ulan. Cool na nakikipag-away siya sa owner na 3X older sa kanya. Cool siya dahil nakapasa siya nung college sa pandaraya sa research niya!


 

Maraming matang umaaligid sa kanya dahil maraming bading sa dorm. At very vocal sya sa mga issues niya against gays. Katakot, mukhang uumbagan ako nito pag nalaman niyang di ako straight.


 

Mga 3 weeks syang nawala. No communications at all. Bothered ako. Sobrang kabado. This time confuse ako lalo. Hindi ko alam kung hinahanap ko siya at botherd ako dahil mahal ko siya o dahil sa pagkakaibigan namin. Hindi ko alam kung ‘sang level – pero 1 thing for sure; takot akong mawala siya.


 

One night he arrived as if nothing happened.


 

He rested without telling his stories. I was studying for my midterm exam when he woke up and started to apologize.


 

He said he was out for weeks because ( he showed his finger), ‘kinasal na ko’


 

Nakabuntis siya. Mahal magpakasal. Limited budget. Malayo ang place nila. Nakakahiya sa’kin. Im studying. Maaabala pa ako. At marami pang dahilan na hindi ko na matandaan. O sadyang ayokong intindihin.


 

Ayokong tingnan ang wedding ring. Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko nun. Nagtatalo. Badtrip ako hindi dahil sa nagpakasal siya, nabadtrip ako dahil hindi man lang niya naconsider ang pagkakaibigan namin. Ni hindi niya nabanggit na may girlfriend siyang nbautis niya. O kahit hindi niya ko imbitahan, kahit ininform niya lang
sana ako na ikakasal na siya. Yun lang. Hindi ako nagdedemand… pero nag eexpect lang ng isang explanation na deserve ng isang kaibigan.


 

After that natulog na ko. Hindi ko na tinapos ang pagbabasa at di ko alam kung paano natapos ang conversation.


 

Kinaumagahan. Wala na siya. Pumasok na. Kumain ako. Di ko napansin na nakatingin na sa’kin ang mga tao dahil umiiyak ako sa restaurant. Wala akong pakiaalam kung ano isipin nila. Basta alam ko, nagsisink-in na sa akin ang lahat. Pakiramdam ko – ang baba ng moral ko. Nasasaktan ako dahil nagmahal ako at naging kaibigan ako. Hindi man
sana nasuklian ang pagmamahal ko –
sana man lang, kahit yung pagiging magkaibigan namin.


 

That night, badtrip siya sa ka-roommate namin. Same issue – badtrip siya sa mga bading. Hindi na ko nakatiis, siguro dahil napikon na ko. Nang isa-isahin niya ang mga bading sa dorm – na parang may gaydar siya, tinanong ko siya kung ano ang tingin niya sa’kin. Sabi niya lalaki. Hindi ako kumibo. (Silence) tumingin siya sa’kin at nagtanong kung ano nga ba ng di ako kumibo? Sabi ko, I’m one of them.


 

Napahiga siya sa
kama. Buntunghininga. Nagtakip ng unan sa mukha at ng matauhan ay nag-ayang kumain sa labas.


 

I laid my cards. Bahala ka na.


 

Wala daw magbabago sabi niya. Never daw nyang napansin yun. Nagtanong siya kung may karelasyon ako at kung pano ako naging ako.


 

At nagkwento na ko. Mas malalim na pag-uusap. Mas mabigat na paghugot sa pagkatao. Mga bagay na di ko na ikinukwento pero parang sa taong ito… may responsibilidad ako – kailangan ko siyang paliwanagan. O kailangan kong ingatan na di masira ang pagkakaibigan namin.


 

Nagdesisyon siya na maghanap ng bahay dahil isasama niya ang asawa niya after a month. Sinamahan ko siya sa paghahanap. He even invited me to stay with him together with his wife but I refused. I appreciated that friendship but I want to protect my sanity. But he said if I changed my mind, sabihin ko lang kung gusto kong makishare ng house.


 

Gagraduate na ko. Aalis na ko sa dorm. Hindi pa rin siya nakakalipat. Ang alam niya lilipat ako ng ibang dorm. Pero gusto kong umuwi na lang. Mapahinga, makapag-isip at ayusin ang gulo sa buhay ko.


 

Nawala siya for 2 days at alam niya na paalis na ko soon. Every morning, kung may hihiramin siya na di niya napaalam, kumukuha lang siya ng post it at sinusulatan gamit ang mga ballpens ko.


 

Yung huling night ko sa dorm, iniligpit ko na ang mga things ko. Wala pa rin siya. Nakatulog na ko at naalimpungatan… umaga na, paikot-ikot siya, hindi ko pinapahalata na gising ako. Every morning kasi, nagigising ako pag-aalis na siya at madalas nagpapapaalam siya pero this time, di ko siya hinarap… hindi ko alam kung bakit.


 

Nakaalis siya. Nang bumangon ako, narealize ko na maybe he wanted to say goodbye. Kaso wala na nga pala ang ballpen at post it ko. Di ko rin pinahalata na gising na ko. Hindi ko alam kung paano ako aalis. Parang bitin. Parang may kulang. Nakatingin lang ako sa bintana ng nagsalita ang isa sa mga dormate ko na bading. Screaming faggot. Sabi niya..mahirap maging bading… magmamahal ka pero di ka naman mamahalin. Hindi ko alam kung bakit siya nagsalita ng ganun. Baka nahahalata niya ko o may naalala siya.


 

Pumasok na ko sa kwarto at kinuha ang gamit. Umuwi ako pero iniwan ko ang payong para may dahilan na may babalikan ako.


 

That night, bumalik ako, kukunin ko ang payong pero wala pa rin siya. Nag-iwan ako ng note. Thanking him for the friendship. I didn’t give or leave my number. I just wanted to end it that way.


 

After a week, I read my journal and found out na yung week na umalis ako sa dorm, monthsary ng kasal ni Johnson.


 

I saw him after 2 years sa isang mall. Hindi ko na siya nilapitan. Mukha na siyang may pamilya. Malaki ng pinagbago pero mukhang masaya.