Saturday, March 17, 2007

Ang Ladlad

simula ng malaman kong hindi ako straight na lalaki (gusto ko ng tapusin ang blog nato kaya hindi ko na ididiscuss ang 'straight' na term dahil kahit ako hindi kumbinsido sa term nato), hindi ako nahirapang tanggapin ang sarili ko. ang alam ko non, may option akong mamili kung straight male or gay pero dahil mas comfortable ako dito at ayoko ng pahirapan ang sarili ko sa pagpaprocess, ito ang pinili ko.

sa simula mahirap talagang kumilos dahil kasama ng pagpili ko sa buhay nato (take note, naniniwala ako na malaking bahagi ang pagpili sa preference nato kung pag-uusapan ang behavior, pero kung pagtatalunan ang existence nito, hayaan na nating pagtalunan yan ng mga walang magawa at bored sa buhay), ay ang pagpili kung maglaladlad ako o magiging tago. Ang tawag nila sa out;  loud, screaming faggot, baklang parlor, minsan effem at yung tago naman; paminta, discrete, straight acting, decent (eto na ata ang pinakamaling tawag) o tripper (hehehe wag kayong maniwala dito). Sa dami ng tawag, na offensive pa nga yung ilan, mas pinili kong maging straight-acting. Dito ako comfortable. Dito kasi, naiiwasan ko yung lantarang pang-iinis, panghuhusga at pagtrato na katawa-tawa ko kahit alam kong pinag-uusapan din ako pag nakatalikod ako.

Nung simula, mahirap lalo na nung nagbibinata ako este nung nasa puberty stage. sa panahon nato, kahit kami, sinisibulan ng batang pag-ibig. hehehe. so pano ko haharapin ito kung inlove ako sa bestfriend ko (cue/ music please: this guys in love with you pare) yun lang ang issue ko noon. hindi ko issue na iba ako dahil eversince ata, papansin na ako at gusto ko, laging iba ako.

minsan naglalakad ako pauwi, sinigawan ako ng mga batang kaage ko, tapos hinabol ako, takbo naman ako. humahangos, takbo ng takbo mala forrest gump, gusto kong lumipad nun, hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol, ang alam ko lang, kung bakit ako tumatakbo. kasi nga baka buntalin ako pag naabutan ako. mabilis akong tumakbo, nung malapit na sila, ikinampay ko ang mga braso ko parang isang ibon. iniisp ko nun lilipad ako. bigla na lang napansin kong hindi na sila humahabol at naghahagikgikan. isang mahinang pukol ng maliit bato sa hita ko ang tumama, at narinig ko na lang ang isang sigaw na bakla! tapos nun umalingawngaw ang mga tawanang parang mga pato na hindi makalipad at puro ingay at dada!

Hindi ako nagalit, hindi ko rin inisip na mainit ang mata ng mga batang tulad ko sa akin. ang iniisip ko nun, may naitatago akong lakas. kaya kong lumipad. isa akong powerful na bakla!

isa pang malinaw sa akin nun, hinahabol nila ako hindi dahil bakla ako, hinahabol nila ako dahil gusto nila akong pagtripan. nung ikinampay ko ang mga kamay ko. saka sila tumigil sa paghabol. Malinaw sa akin na nung nalaman nilang di ako kabaro at bakla ako, pinabayaan nila ako sa pagtakbo. may rules, laws and customs din sa war di ba? hindi laging harsh ang world samin.

Kaya nga habang lumalaki ako, hindi ko itinanim sa isip ko na marginalized kami. hindi ko nga iniisip na isa kaming sector. my gosh. buntot ko hila ko. saving my own ass lagi. di ako naniniwala sa organization. minsan, sa isang grupo ng mga bading, nakiumpok ako. in fairness, matatalino ang grupong ito at hindi lalaki ang pinag-uusapan nila, hindi gaya ng mga babae na pinag-uusapan ang mga lalaki pag nagkaumpuk-umpukan at mga lalaki na pinagtsitsismisan din ang mga babae (blog ko to bakit ba! minsan lang naman akong maging mean at magstereotype), kami ang pinag-uusapan namin. politics! kung sino ang masarap na politicians at sino naman ang mga politicians na kabaro namin. kaya nga represented kami sa congress.

balik sa umpukan. hindi magkasundo nung pag-usapan ang representation sa kamara. sa akin kasi, ano nga ba ang ipaglalaban, ano pa ang kulang, anong karapatan ang wala sa amin. ibigay na natin sa PBA 'yan, ibigay na natin sa nakararanas ng insecurites sa buhay. hindi ako naniniwala sa kasal, kung kasal ang gusto nila. hindi naman pwedeng hingin ang wage increase across the board sa lahat ng gay dahil sa contribtuion nila sa society. naisip ko lang pag ginawa to, lahat ng closet mag a -out. atleast hindi mahihirapan ang nso sa pagtaya kung ilang bading na meron sa pilipinas.

pwede bang hingin na special discount sa mga bading pag bibili ng kolorete sa katawan? special CR sa mga malls? im sure bading din ang magpoprotesta. hmmm. ayoko ng iexplain at baka awayin ako ng mga conservative na bading.

special schools kaya? kaya na namang gawin yan ni mother ricky reyes.

para sa'kin kasi. ang batas, universal yan. generic ika nga. yung special laws para sa babae sa matanda o buntis, o handicap, applicable naman sa lahat, (maliban pala sa buntis).

kahit wala namang batas. kahit walang kamara.

ang kabutihan, common sense yun para sa'kin. hindi ko maaawat ang mundo na saktan ako, o di kaya hiyain ako. hindi ko sila mapipigilang 'wag akong itratong iba, o di kaya ay bigyan ng espesyal na pagtingin. ang alam ko lang, pag nanganganib ako at hinahabol... tatakbo ako, ikakampay ang pakpak. iiwanan ko sila. sabay sabi ng eat my dust mga pato!

6 comments:

  1. First time ko dito. Nice share!

    Next time uli.

    ReplyDelete
  2. Totoo, "buntot mo, hila mo". :-D

    ReplyDelete
  3. Fresh na fresh ang pagpasok nito sa Fastest growing blog ah!

    ReplyDelete
  4. mahabang post pero worth read naman. tama yan, ikampay lang ang mga pakpak at lumipad. malaya. malaya. malaya.

    ReplyDelete
  5. Hey! Nice blog! Your post is touching me deep inside. It's very honest. I can somewhat relate to your stories. Do you mind if I link your blog? Hehehe

    http://rolandgalicio.wordpress.com

    ReplyDelete
  6. nice blog..been inlove na rin... with the bestfriend but until now.. confused pa rin ako..

    ReplyDelete