Thursday, March 8, 2007

Sex tayo


Sa loob ng isang Linggo, nakaapat na seb ako. Breaking my past record. At siguro isama na ang frequency ng mastr*bati*n. hedonistic na ata talaga ako. Nagtataka lang ako kung bakit napapadalas ngayon. Pwde kong isipin na unti-unti ay may nangyayari sa image enhancement ko o di kaya pwede rin namang isipin na wala na akong inatupag kundi magchat. Tsk. Tsk. Tsk.


Habang tumatagal at sa paulit-ulit kong pakikipagsex ay palala ata ako ng palala. Take note: 27 different guys for 3 years and more or less 40 sexacapade dahil yung iba nauulit). Maliit pa ang bilang na ito compare sa iba pero come to think of it, di biro ang sexual behavior na ‘to. Natatakot ako hindi dahil most of it ay di protected kahit walang penetration; may probable risk din naman lalo na kung may exchange ng fluid. Anyway, ang mas nakakatakot ay ang behavior ko na mas nagiging risk taker.


Mahirap naman kasing tumanggi lalo na kung may right venue,di na rin hassle ang place. Karamihan sa kanila ay may place. Kailangan mo lang talagang puntahan at gaumastos para sa pamasahe.


Dim light, may art sa paghuhubad, sa pagpapapagapang ng kamay sa katawan hanggang sa pagdampi ng mga katawan. Dati napapanood ko lang sa tv, iniisip ko lang na ginagawa ko sa crush ko, pero ngayon, malaya kong naipapahayag ang katawan ko. Ang pinakamasarap, ang pagdampi ng mga labi na tila may hinahalukay, tila mga dila ng apoy na nagsasanib upang lumikha ng mas malaking ningas. Ito ang pagtatalik ng aming mga kaluluwa. Hanggang sa ang apoy ay tuluyang lumiyab at magpainit sa aming katawan. Huhugutin ang enerhiya at magpapagalaw sa lahat ng parte nito. Isa na kaming pinagsanib na lakas na handang sumagupa sa aming mga dating sarili at mga nagtatagong sarili; tila luwad na pinatigas at hinubog sa init ng araw. Kami’y mga hinubog ayon sa kamay ng iba, hinulma at ginawang sisidlan, pinaupo sa panggatong upang ipakitang matibay at kapakipakinabang. Ibinabalik ng pagtatalik na ito ang aming pinagmulan, ang katotohanan ng aming pagkatao – ang siyang kalikasan namin. Na kami’y mga luwad – mula sa pino at malambot na luwad.

Gayunman, hindi lahat ng pagtatalik ay singsarap ng imahinasyon. May mga pagtatalik na walang komunikasyon ng kaluluwa kahit naglalapat ang katawan. Mabilis at tila trabahong kailangan lang matapos.


Hinahanap ko pa rin ang pagtatalik na may kasamang pagmamahal. Pagtatalik na nag-uugnay sa dahilan ng bawat isa… na ginagawa natin ito upang pakawalan ang sarili habang kinukulong ng mga yapos ng bisig. Na ang dahilan ko ay dahilan mo rin. Na matapos iyon ay hindi tayo mahihiyang makitang hubad ang ating katawan. Na hindi tayo magmamadaling magbihis. Na mag-uusap pa tayo pagkatapos. Magkukwentuhan tungkol sa atin. Na ang totoong orgasm ay ang pag-uusap natin, ang pagharap natin sa bawat isa matapos iyon at makitang nasiyahan tayo parehas. Na nag-uusap tayo ngayon upang buuin ang mensahe ng ating pagtatalik. At titiyakin ang mensaheng ito sa muling pagtatalik. Hanggang sa maunawan natin na ang pagtatalik ay pag-uusap. Komunikasyon ng kaluluwa at hindi lang ng katawan.

7 comments:

  1. isang patak ng luha ang pumatak mula sa kaliwa kong mata matapos basahin ang post na ito.

    nasabi ko na ang lahat. wala nang salitang makahuhusto sa pagpapaliwanag ng aking nararamdaman.

    kung mayroon nga talagang nananatiling tiyak sa pagliliyab ng apoy sa gitna ng dilim, at kung mayroon ngang totoo sa kanyang sarili sa harap ng isa pang kaluluwa sa pagtatapos ng isang komunikasyong nagkabit sa kanila, ang apoy ay apoy ng pagsiklab ng kahubdan ng katibayan ng tunay na pagmamahal.

    ang mga luha sa aking mga mata ang magpapatunay.

    ReplyDelete
  2. Very nice. That's the real essence of lovemaking-heart and soul. not lust-body and mind.

    ReplyDelete
  3. magaling ka magsulat!
    two thumbs up! ;)

    ReplyDelete
  4. that's ryt! Lovemaking s not jst a sex! :) saludo ko sau galing mong magsulat!!! Keep it up!

    ReplyDelete
  5. nice one.it made me cry.

    ReplyDelete
  6. hmmm.... i agree and disagree sa mga sinabi mo.... pero preference ko lang yon syempre... maayos yung salaysay and concvincing yung ibang line, pero, masyado mong inab-stract yung iba, use specific words, kung kelangang literal, iliteral mo... though experience to, it speaks general truth din [meron bang hindi?], it has a voice na tipong dapat ibang boses yung nagsasalita, sorbrang concise din na medyo palasak pero you gave your own version kaya pwede na.... tinatamad na kong i-point yung iba... good luck at sana makarami ka pa, ika nga, d best magturo ang experience... sige sulat lang...

    ReplyDelete