Wednesday, December 27, 2006

soulmate?

pauwi ako from fieldwork, nasa davao airport ako ng makita ko sya. alam ko na may attraction din sa'kin. kaso torpe ako. hindi ko alam kung anong move ang gagawin. naghihintayan kami. same bench. delayed ang flight. nakikita na lang namin ang isa't-isa na nagnanakaw ng tingin. hanggang dun na lang. february noon. 2005 sa loob ng plane.  nawala na siya sa paningin ko. hindi ako mapakali. alam kong siya na yun. again, nakita ko siya. tumayo, papunta sa cr. palinga-linga hanggang sa magtama ang aming mga mata. hindi ako marunong magbasa ng message.  nag-aassume lang ako. alam ko ako ang hinahanap nya. aabangan ko siya paglabas. nasa manila na kami. pag open ko ng cell ko, may important message from my boss. tawag ako agad, hindi ko namamalayan na palabas na ko. narealize ko na lang, nasa labas na ko. nawala na naman siya. alam ko siya na yun.  hindi ko alam kung pano o kung saan siya makikita. pero alam ko, magkikita pa kami.

No comments:

Post a Comment