Friday, December 22, 2006

soxie topacio?!

Relaxed ako nung araw na yun, magaan ang trabaho, wala ang toxic na boss. Pauwi na ko ng makatanggap ng isang text. Gustong makipagmeet. Matanda siya sa’kin. okay yun, majority sa nameet ko, matanda sa’kin. Okay naman siya kausap sa phone. In fact nagkakausap na kami sa phone mga 1 month na rin. Since madadaanan ko naman ang meeting place, nagpasya akong makipagmeet. Nasa Bookstore ako ng isang mall. Parang di niya ko sisiputin dahil 20 minutes na kong naghihintay, maya-maya ay eto na siya, tinawag ako sa pangalang pinakilala ko sa text. Tama naman ang requirement, medyo may laman  siya - medyo mataba, matanda – nasa early 40’s na siya, may trabaho – nasa real estate siya ang kaso – may kulay ang buhok! Gold! Tinanong niya ko agad kung gusto ko daw sumama sa kanya, may pupuntahan daw siya, sabi ko nagmamadali rin ako. Napadaan lang..


 

After ng meeting na yub, isang buwan ata akong tumigil sa pagtetext at pagchachat!

1 comment:

  1. hehe!! sayang! malay mo ma recruit ka pa nya sa That's Entertainment!!
    edi na discover ka pa.. Joke! hope u have a fine day today sweetie..
    email mo ko.. meet tayo sometime for coffee..

    see you..

    Mick

    ReplyDelete