Sunday, January 6, 2008

At isa pang I love you.

 


I love surprises pero recently naging unfair ata ako after sending gifts na hindi naka giftwrap. For practicality or lack of sincerity, nagpadala ako ng gift na ni gifttag ay wala. Ngayon ko lang narerealize na napaka stupid ko.

Matanda na nga ata ako. Kahit yung mga gifts sa kin, ayan nakatambak pa rin sa cabinet, hindi ko pa nasasalansan.


Sa kahahanap ng underwear, nalaglag ang isang box sa ulo ko na may balot pa pero wala ng laman, naiwan na lang ang tag. Ngayon ko lang nabuksan ang tag, sa officemate ko pala galing. Sabi, "we love you," from her at sa kanyang boyfriend.


Ewan ko kung bakit pero tinamaan ako sa message.


Hindi merry christmas, hindi rin happy new year. Kahit common message, may tama sa’kin. Sabi lang sa kin last week ng isang kaibigan, masyado daw akong independent ngayon. Nagbago na daw ako. Ni hindi na ako umuuwi sa amin. Nawala na ako sa circle of friends.


Oo nga, unti-unti ay nawawala ang mga kaibigan ko. O unti-unti ay nawawala ako.


I must admit na nagkaproblema ako sa sex. Ibig kong sabihin, naging madali sa kin ang casual sex. Walang commitment. Walang I love you. Hindi ari ko ang nagasgas kundi ang pagtingin ko sa sex, sa katawan at sa sarili ko. Nahihiya man akong aminin, ang pakiramdam ko ngayon, nawawalan ako ng value. I got my freedom, maganda ang trabaho ko, gumigimik ako everyday, unti-unti nakukuha ko ang gusto ko pero unti-unti nawawala ang soul ko.


Kagabi, para akong slave, nakasubsob sa ari niya, kagat-kagat sa leeg, sa nipple, sa tagiliran, sa lahat ng sulok ng katawan. Hindi namin maidilat ang mga mata sa kahayukan. Para kaming mga asong naglalaway. Matapos iyon, walang imikan, paalala lang na ingat sa pagtetext, baka mabasa ng asawa niya.


Sa hintayan ng bus, tulala ako, para akong ginahasa, parang nadurog ang kaluluwa ko. May mataas na pinag-aralan, galing sa mabuting pamilya, pero eto, daig pa ang hooker. Pinangarap kong maging malaya, pinaglaban ko ang paniniwala ko, pero aminado akong sa kinalalagyan ko ngayon, mali ako.


Hubad ako sa mata ng kaopisina ko. Alam nila ang pinaggagagawa ko, pero sa kabila ng lahat, nasabi nilang mahal nila ako.


At least may dahilan akong mag-isip at muling balikan kung sino nga ba ako. Ano nga ba ang gusto ko. May dahilan para pag-aralan ang mensahe ng bagong taon sa buhay ko.


 


 

5 comments:

  1. Despite your experiences, people still love you.. That is a great thing na dapat mong ipagpasalamat.....

    ReplyDelete
  2. Ganda ng style of writing mo. Alam mo tama ka, abot hanggang soul natin ang pagod ng katawan. Totoo ka, kapag sobrang nagagamit tayo parang pakiramdam natin wala na tayong value kasi kahit sino, kahit paano, kahit saan bahala na. may thrill kasi... pero at the end of the day it's still nice to think na sana mahal natin katalik natin o kaya mahal tayo ng ka-sex natin. ganun daw talaga ang buhay, simpleng bagay ang mag re-remind sa atin ng tunay nating worth. sana lahat tulad mo, yong maka realize na mahalaga pa rin sa bawat isa pag may nagmamahal...

    ReplyDelete
  3. its not too late, at least now na realize mo na kailangan mo din magmahal.

    ReplyDelete
  4. alam mo... sa ngayon, pareho tayo... puro casual sex na lang. bakit wala nang love?

    ReplyDelete
  5. minsan sa buhay natin, nagagawa natin ang mga bagay na alam nating doon tayo masaya...walang maling maging maligaya. Ang pinakamahalaga sa buhay natin ay matuto tayong bumangon sa bawat pagkadapa at tanggapin sa ating sarili ang pagkakamaling nagawa na!

    ReplyDelete