Kahon kahon, mga kwadradong kwarto. Dito tayo humihiga at nagpapahinga. Pahihimbingin ng malamyos na musika kasama ng indayog ng kamay. May lambing, pino, dahan-dahan. Hinuhuli mo ang kiliti ko. Sinusubukan mo kung hanggang saan hanggang sa magising ang akin. Mabubuhayan ka, lalo mong patatakamin, ilalapat mo sa iyo, wari'y di sinasadya, subalit alam natin ito. Alam nating narito ako para sa maibibigay mo. Kaya mong paglaruan ang imahinasyon ko, at iaalok mo ang sinasabi mong pinakamasarap na haplos - ang pagtatalik ng ating mga katawan.
Magkano?
Bahala ka na, basta ito ang rate ko...
Sige ba.
At magsisimula ng gumapang ang mga kamay, sa halagang iyon ay makapapasok na ang aking katawan sa iyong pinto, gagapang, dadausdos, aamuyin at didilaan ang lahat ng naisin. Sa halagang iyon ay makukuha ko ang hindi kayang ibigay sa akin ng gusto ko, sa pagkakataong ito ay nabili ko na ang sandaling pinapantasya ko.
Akin ka ngayon, at huwag umabot ang sandaling kumawala ang aking lakas at hihinto ang musikang nagpalaya sa atin.
Kumita ka, nakuha ko ang gusto ko. Binili ko ang sandali, walang tawaran, nagkasundo tayo. Walang makokonsensya.
Magpupunas, aalis ka para sa ibang parokyano, babalik ako para sa ibang masahista. Ito tayo, nasa kalakalan ng katawan. Masahista ka, kliyente ako.
Friday, April 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
interesting..!
ReplyDeletelink kita..!
link me as well..! :)
may enigma..!
ReplyDeletemalalim..! ;)
oh my god! this is so hot.. hindi ko pa na try to.. hehe
ReplyDelete